Friday, March 20, 2015

Hindi Ko Namalayan

       Hindi natin namalayan na mag-ge grade 10 na tayo. Dati,ayaw na ayaw pa natin ang k-12 curriculum dahil sabi ng marami mas matagal na pag-aaral ang gugugulin natin. Excited kasi ang lahat na magcollege, more fun daw eh. Pero parang hindi ko naman ata nakikita sa ate ko yun. Isa ako sa mga ayaw sa k-12 dati. Dahil naisip ko na madedelay ang pag-abot ko sa pangarap ng 2 years.dahil imbis na nagtatrabaho na ako sa 2 years na yun ay nag-aaral pa ako. Pero naisip ko rin na mas maganda nga yun. Dahil pwede na kaming magtrabaho pagkatapos naming maghighschool . bukod pa dun, malaki din ang tiyansa naming makapagtrabaho sa ibang bansa dahil kailangan na graduate ka ng 12 years na pag aaral kapag nagtrabaho ka sa kanila. Maganda din ang naidulot nito sa amin, ngayon kasi naiaapply na namin ang mga naituturo ng bawat subject namin ang natututo din na kami na gumawa ng mga products na pwedeng pagkakitaan lalo na sa TLE. Advance din ang mga itinuturo sa amin kaya mas marami kaming natutunan.

      Hindi din natin namalayan na magkakaroon na naman tayo ng bagong guro sa filipino. Hindi naman natin mapipigilan na palitan ang guro natin sa bawat aisgnatura. O kaya naman pumili ng magiging tagapagturo natin. Katulad ngayon hindi ko inaasahan na mahahasa ang pagsasalita ko ng tagalog dahil sa aming guro. Lubos na ipinagbabawal kasi sa aming klase ang magsalita ng TAGLISH, dapat purong tagalog lang ang gagamitin. Nakikita ko rin ang pagnanasa niyang tapusin, pagandahin at kilalanin ang dyaryo ng aming eskwelahan. Kaya hindi mo maitatanung ang ilang mga parangal na nakuha ng dyaryo maging ang mga manunulat dahil sa paghahasa ng aming guro. Salamat din sa aming guro dahil mas nahasa ang pagsusulat ko lalo na kapag wala akong magawa.

      Hindi ko din namalayan na maghihiwa-hiwalay na ang antimony. Parang nung tipulo pa kami,mas  gusto namin na kami-kami nalang ulit ang magkakaklase, sa totoo lang, namimimiss ko na lahat ng tipulo. Ganun din ata ang mararamdaman ko kapag nagkahihiwa-hiwalay na naman kami ngayon lalo pa't hasang hasa ang mga section one na pipiliin. Wala na ang kulitan lalo na kapag walang klase. Wala na yung hingian ng nabake kapag uwian. Wala na yung hingian ng ulam kapag break. Wala na yung selfie dito selfie doon. Wala na yung pag aagawan ng electric fan sa room. Naalala ko pa dati yung hinihintay namin na makabitan kami ng LED sa room. Tipong ginagawan pa nila ng before and after. Tapos may countdown pa. mamimiss ko lahat lahat. Kahit na may iba't  ibang grupo sa room solid pa rin ang antimony at mananatiling buo hanggang sa huli! 
       Pero minsan, kailangan din nating iwanan ang lahat ng nakaraan para salubong ang panibagong darating. Kaya. Ngayon, haharapin ko ang bukas at gagawing inspirasyon ang nakaraan.

No comments:

Post a Comment