Sunday, October 26, 2014

Ang aking SEATMATE

Sa tuwing papasok ako sa aming silid aralan.Damang-dama ko ang init na bumabalot sa loob at ingay na nagpapasakit sa aking tenga.
Isa na namang "stressful" na araw ang bubuo sa araw na ito,yan ang nasa isip ko.
Ngunit,kapag ako'y nakaupo na sa aking upuan.Doon naman magsisimula ang pagbawas ng init at stress sa aking pakramdam.
 IPINAKIKILALA:
 [tenteneneng!]
si EDDANN REY B. PANELO.Isang tao na handang makipag-agawan ng electric fan para lang mahanginan ang pwesto namin.Siya'y isang LOVERBOY [nucks!] na minsan bigo sa pag-ibig.XD.Pero isa sa mga kakulitan lagi ng mga babae.
 Laging nandiyan sa mga panahong uso ang asaran.
 Gaya ng ibang lalaki sa room, isa rin siya sa mga kaklase kong laging trip ni Ma'am Daggao. Pero go parin siya at kayang maki-enjoy.
isa sa mga taong laging nagtatanong sa akin kung may journal na ba ako? at kung minsan vice versa. ^___________^
Itong taong ito ay maituturing ko naring isa sa mga kaibigan ko.
Iyan si Eddann Rey B. Panelo.
 Ang aking Seatmate

Friday, October 10, 2014

9-Antimony, has a secret



 
May mga lihim na ngayon lamang natuklasan, mga lihim na itinatago sa sinuman.

10:20 am
Mambugan National Highschool
          Maingay sa loob ng eskwelahan ng mambugan.busy ang lahat sa kanikanilang ginagawa-mga papalabas ng kanikanilang mga silid-aralan,mga estudyanteng nagmamadali maglinis ng kani-kanilang mga classroom,meron din ibang nagmamadaling komopya ng assignment at iba namang tinatapos ang kanilang mga group report o proyekto.lahat ay may sari-sariling ginagawa, may ibang nagpipimpong,ibang nagbabadminton, at iba namang nagmamadaling pumasok sa loob ng eskwelahan habang chinecheck ni kuya guard kung may suot ba silang I.D. o kung tama ba ang kanilang mga gupit.
Isa na sa mga iyan ang pangkat ng 9-Antimony.ang pangkat na kinabibilangan ko.kapag naramdaman na nilang papalabas na ang bismuth.isa-isa nang magbibitbit ng kani-kanilang mga gamit at tutungo sa tapat ng aming classroom at hintayin na matapos maglinis ang bismuth.
10:30
Sa corridor ng room 102,acg bldg.
             Matatanaw mo mula dito ang mala-mrt na pila sa Xerox machine at ang mga estudyanteng pawis na pawis habang sumasayaw. Bago pa man makapasok sa aming classroom maririnig mo na ang isa sa aming sisigay ng “hoy! Antimony! Magfootsack kayo ah! ang hirap kaya magfloorwax na sahig!” agad namang kukunin ang ng ilan kani-kanilang mga footsack at isusuot ito.ang karamihan kasi sa ami’y wala pa sa classroom ay suot na ang footsack.gawin daw bang classroom ang buong court,minsan nga hanggang sa labas suot pa rin yung footsack nila.XD
Pagpasok sa room.mapupuno nito ang walang tigil na announcement ng bawat clubs.magsisimula na ring mag-agawan ng electric fan dahil sa tindi ng init sa loob ng room.isa-isa mo na ring maririnig ang
“pahiram naman ako ng journal,nakalimutan kong gumawa eh”
“grabe! Kahapon nasa inyo na yung electric fan ah! samin naman!”
“hoy group 4! Journal niyo?”
“Announcement! May Collection daw po mamaya!”
“hoy! Three pesos mo! hindi ka nagbayad nung Friday at Monday ah!”
“Mga bh3! Good morning!”
             Hanggang sa lahat ay nagsasalita na,walang tumitigil hanggang walang tumatahimik.walang nagpapaawat.may mangingibabaw ang boses,at meron namang humahalakhak sa tawa.ngunit, darating na naman ang oras kung saan maguumpisang mangyari ang misteryong bumabalot sa bawat sulok ng classroom.

10:40

Sa loob ng room 102.ACG Bldg.
                    Napakalakas na ingay ang maririnig mo ng biglang.
……………………………………………………………………………. 2 seconds na silence
      As in walang Nagsasalita .total  AWKWARD!
Parang may dumaang anghel sa aisle naming at bigla kaming tumahimik.
After ng 2 seconds, may magtatanung na
“anyare?  Ba’t biglang tumahimik?”
         sabay sabay na tatawa. Sabay sabay na hahalakhak! To the point na sasakit panga at tiyan mo.
and after that.balik sa dating ginagawa.balik sa ingay,isa isa na namang isisigaw ang mga announcement at babalik sa agawan ng electric fan.hanggang sa dumating si maam mixto upang magsimulang magturo ng kaniyang mga lessons.
Hindi lamang isang beses nangyari iyan.ewan nga naming kung bakit parating ganyan ang nangyayari.parang may kung anung nag-zip sa bibig naming para sabay sabay na tumigil sa pagsasalita. Isang misteryong bumabalot sa buong 9-antimony. Misteryong wala pang kasagutan.

Note:Sheena perez! Whahaha! Yan na.akala mo horror eh nu?XD

ansarap gawing cover ng mga mukha niyo 9-antimony!XDkaso wala namang maayos na mga picture! Gusto niyo ilagay ko yung mga naka-peace sign kayo?XD

credits kila: sheena perez,jhon paul reneva at eddan rey panelo.kung hindi sa curiosity niyo at kakulitan.di ko maiisip na gawan to ng article.XD

#RightNow.PH



 Hi guys! Naisip ko lang na i-acknowledge ang aking sarili.whahaha! wala lang! di ko pa kasi tapos yung isa kong sanaysay na ipopost dito sa blog kaya ito muna isisingit ko.
Gusto ko ring pasalamatan ang RightNow.ph sa pagkakapili ng aking gawa na “friendzone to Endzone”. Yah! Super nagulat ako ng isearch ko yung sarili ko,I mean yung name ko, sa google sa kadahilanan na hindi ko matandaan yung email ko sa g-mail account ko.XD then nagulat ako kasi nakita ko dun na may RightNow.Ph na lumabas sa mga results.hindi naman ako nag-assume na baka nakuha yung ginawa ko kasi hindi naman ganun kagandahan yun.ang sabi ko pa “ah!oo nga pala nagpasa pala ako sa kanila ng article”.pero nung clinick ko na yun.
Like OMG TO THE MAX! napili nga! Super super salamat po talaga sa RightNow.Ph.
Thank you sa mga speakers nung time na yun.(sorry po kung hindi ko po mababanggit yung names niyo,nawala po kasi yung scratch notebook ko.nabenta na ata sa junkshop.XD ^_^V) Pero marami po akong natutunan sa mga lectures.yun nga lang hinahangad ko talaga yung libro na binibigay.sayang kasi,madadagdagan sana collection namin ng mga books.
Salamat din po kay Maam Marvilyn Mixto.Kay Janalou Leuterio sa pagcocomment at sa iba pa na nagcomment.
Okay! Tama na nga. Parang acknowledgements lang sa libro yung ginagawa ko eh.XD

Saturday, September 27, 2014

Para sa iyo

http://writersapprentices.files.wordpress.com/2012/10/cats1.jpg
http://writersapprentices.files.wordpress.com/2012/10/cats1.jpg



"On The Spot Jackpot"
          Ayan na naman ang mga red blood cells kong animo'y nasa marathon sa sobrang bilis magcirculate,sabay ang malakas na kabog ng aking dibdib kapag naririnig ko ang mga katagang iyan.Jackpot nga kung jackpot.ang pinagkaiba lang ,kung sino ang papalaring mapili, siya rin ang papalaring sumagot sa tanong na nanuna pang lumabas ang dugo sa iyong ilong bago mo pa masagot.Isang tao lang naman ang naiiisip natin akpag naririnig natin iyan.sino pa ba? Eh di si sir Fernando Timbal.
         Maraming takot sa kanya, maraming tumatahimik kpag dumadaan siya. bakit?Dahil akala nila masungit si sir.Pero sabi nga ng iba "Dont judge the book by its cover"subukan mo munang basahin ang mga nilalaman nito bago ka manghusga.Unang klase pa lamang ,Hindi pa namin alam kung sino nga ba ang magiging adviser namin,Hanggang sa may isang matangkad na lalaki ang dumaan sa gitna.Lahat ay napatigil at napatingin,kinabahan at automatic na nafreeze sa kanilang mga upuan, jawdrop.sino pa ba ang dumating? eh di ang bago naming adviser,si Sir Fernando timbal.Noong una,akala ko gagraduate kami na suot ang makakapal na eyeglassses at punong puno ng malalapad na libro ang mga bags namin.Pero mali ako,nakarating kami sa grade nine na may dala-dalang masasayang ala-ala sa mga bags,bulsa ng palda/pantalon,wallet,loob ng medyas o kahit saan pa mang pwedeng paglagyan ng naguumapaw na masasayang ala-ala.Dahil iyon sa suporta,pagmamahal na ibinigay sa amin ni sir timbal.Natuto kami nang 1 hour na walang ingayan kapag science time.Natuto kami na makiramdam sa isa't-isa kapag alam namin na paparating na siya.Natuto kaming maging responsable,maging environmentalist at maging isang modelong estudyante sa iba.Kung iisa-isahin ko,siguradong mauubos itong tinta ng ballpen.Ngunit isa ang pinakatumatak sa aming mga isipan,ang natuto kaming tumanggap ng aming kamalian at humingi ng tawad.
           Hindi man maiwasang makumpara sa mga bagong mga anak niya,alam namin na nakatatak sa isipan niya at maging sa amin ang mga masasayang ala-ala na nangyari sa loob ng isang taong magkakasama kami.

Reflection ba kamo?





(Para sa Broken Hearted –Marcelo Santos III)
 “Kapag ba Nagkatuluyan kayo ng taong mahal mo,happy ending na yun?” ©
Naattract ang mata ko sa 2nd page ng book na to.at the same time napaisip na rin.normal na kasi sa mga stories ang “Happy Ending”dib a? isa rin namang dahilan kaya binasa ko ito dahil natuwa ako sa una niyang novel. Ang PARA SA HOPELESS ROMANTIC.Minahal ko ng sobra ang mga characters sa kwento. Pero mas minahal ko ang role ni Jackie,(kahit na walang kinahinatnan ang lovestory nila ni sir matt ) minahal ko yung pagiging positive niya sa life.
ui ,okay na,tama na ang review sa first novel,focus tayo sa pangalawa! Game!
Fastforward tayo sa sakayan ng FX sa cubao.
Yung first time na nakilala niya si RJ, ang unang paghaharot niya matapos mabroken hearted kay sir matt. Normal lang naman sa teen ager ang kiligin kapag may nakatabi silang gwapo(yung daluyan ka ng K Blood Cells as in Kilig Blood Cells sa veins).gaya nga ng pagvavalue niya sa face ni RJ ,HEAVEN! Kumbaga sa lotto JACKPOT kapag naging GF ka nito. Emherghed.
Pero nung nagtxt sa kanya si RJ, dun ko naramdaman ang first na pagcirculate ng K blood cells sa veins ko.as in kilig to the max! kung ako si jackie,titili ako to the point na maririnig ng mga alien sa universe.^w^ blessing nga ata yung pagkawala ng id niya,biruin mong naging textmate yung dalawa.an sarap nga ng feeling na pagkagising mo text message kaagad niya yung bubulagta sa cellphone mo.yung ginogood morning ka,kaso minsan group message lang pala.:(
Ay, Nakakarelate!
Nakakatats (touch) lang yung pagiging supportive ng mama niya sa lovelife niya.endangered species na kasi yung mga ganyang nanay ngayon eh.
                Habang binabasa ko ang mga sumunod na pangyayari,grabe na talaga! Puputok na yung puso ko sa sobrang Keleg! Ang Londe mo lungs.
                Nagkita na sila. ay! bitter? Eh kasi naman! Ansarap sabunutan ni Jackie! Ang haba ng hair! Kalbohin ko yan gamit blade ehh! --__-- nagshake hands pa! pigilan niyo ko! kakalbohin ko na talaga to!
                “may girlfriend ka na ba?” © yan yung sinabi ni Jackie kay RJ nung lumabas sila after maibalik ni RJ yung ID ni Jackie! Kung kayo nasa kalagayan ko? este ni Jackie? Itatanung niyo rin ba yan?
                “Bakit mo naman natanong?” ©  -RJ
kailan pa sinagot ng isang pang tanong ang isang tanong RJ?  yan ang sasabihin ko kay RJ kung ako tinanung niya.--__--
                pero syempre naloka ang lola niyo kaya iniba niya ang tanong.
“wala naman .sige ibahin ko na lang ang tanong ko.May kilala ka bang Professor Santos,accounting subject?” © kaloka! Anong tanung yan Jackie?
“wala” © ang sagot ni RJ. “ah,oo nga pala,wala kayong accounting subject” ©
“I mean,wala yung sagot ko sa una mong tanong.sa pangalawa mo namang tanong,wala rin.puro major subjects na ako ngayon eh.”
                         Kaloka.Jackpot! wala siyang GF.time na para lumandi jackie! Medyo nabuhay na naman yung K Blood Cells ko.Aminin! lumalaki ngiti mo kapag nalalaman mong single si crush!
                         “eh ikaw? May boyfriend ka na ba?” ©
                         “wala eh.wala namang magkakagusto sakin” ©
According to the book: yan ang tinatawag na AWA-AWAAN  strategy.kunwari walang nagmamahal sayo.kunwari kawawa ka. ©
                         Iba yung akin ehh.PAINOSENTE strategy.kunwari walang alam sa love.kunwari inosente ka.laging naka-on ang Maria Clara Mode.usually ang mga NBSB ang sumasabuhay nito.^.~
                         “hala? Parang imposible naman.Sa ganda mong yan,tiyak ko,maraming nagkakandarapa sa’yo” © oh happy ka na Jackie?
“salamat ah”, “wala namang lalaking magkakagusto sa akin eh” © hala! Pinangatawanan yung strategy niya. AWA-AWAAN MODE IS ON.
                         “Ano ka ba? Malay mo,nakilala mo nap ala siya.Malay mo kaharap mo na siya ngayon.” ©
Wahhhh! Omerghed na talaga! Ambilis magcirculate ng K Blood cells ko! wala nang nagcicirculate na red at white blood cells! Puro K Blood Cells na!
Napatingin ako sa kanya. ©
Nagulat. ©
Kinilig. ©
Okay na sana yung tatlong nabasa ko after sabihin ni Rj yun. Kaso may humabol.
Nag-Assume. ©
Nag-assume daw ohh!
 #supernakakarelate

Note:next time na yung susunod na mga pangyayari.di ko pa tapos basahi eh.tandaan: PARA SA BROKEN HEARTED ang tittle ng book. Kung gusto niyo pong mabasa ang mga sumunod na mga nangyari (naks!) bumili po kayo ng PARA SA BROKEN HEARTED novel ni MARCELO SANTOS III available siya sa lahat ng bookstores (sa pagkakaalam ko). I promise hindi kayo magsisising basahin ^______^. Meron pang naunang libro bukod dito,yung PARA SAHOPELESS ROMANTIC andiyan din si jackie kaso hindi diya yung main. Okay nag-endorse na ako! ^________^
(Lahat ng may © sa huli ng bawat sentence or quotations, ay galing sa book.)