Saturday, September 27, 2014

Reflection ba kamo?





(Para sa Broken Hearted –Marcelo Santos III)
 “Kapag ba Nagkatuluyan kayo ng taong mahal mo,happy ending na yun?” ©
Naattract ang mata ko sa 2nd page ng book na to.at the same time napaisip na rin.normal na kasi sa mga stories ang “Happy Ending”dib a? isa rin namang dahilan kaya binasa ko ito dahil natuwa ako sa una niyang novel. Ang PARA SA HOPELESS ROMANTIC.Minahal ko ng sobra ang mga characters sa kwento. Pero mas minahal ko ang role ni Jackie,(kahit na walang kinahinatnan ang lovestory nila ni sir matt ) minahal ko yung pagiging positive niya sa life.
ui ,okay na,tama na ang review sa first novel,focus tayo sa pangalawa! Game!
Fastforward tayo sa sakayan ng FX sa cubao.
Yung first time na nakilala niya si RJ, ang unang paghaharot niya matapos mabroken hearted kay sir matt. Normal lang naman sa teen ager ang kiligin kapag may nakatabi silang gwapo(yung daluyan ka ng K Blood Cells as in Kilig Blood Cells sa veins).gaya nga ng pagvavalue niya sa face ni RJ ,HEAVEN! Kumbaga sa lotto JACKPOT kapag naging GF ka nito. Emherghed.
Pero nung nagtxt sa kanya si RJ, dun ko naramdaman ang first na pagcirculate ng K blood cells sa veins ko.as in kilig to the max! kung ako si jackie,titili ako to the point na maririnig ng mga alien sa universe.^w^ blessing nga ata yung pagkawala ng id niya,biruin mong naging textmate yung dalawa.an sarap nga ng feeling na pagkagising mo text message kaagad niya yung bubulagta sa cellphone mo.yung ginogood morning ka,kaso minsan group message lang pala.:(
Ay, Nakakarelate!
Nakakatats (touch) lang yung pagiging supportive ng mama niya sa lovelife niya.endangered species na kasi yung mga ganyang nanay ngayon eh.
                Habang binabasa ko ang mga sumunod na pangyayari,grabe na talaga! Puputok na yung puso ko sa sobrang Keleg! Ang Londe mo lungs.
                Nagkita na sila. ay! bitter? Eh kasi naman! Ansarap sabunutan ni Jackie! Ang haba ng hair! Kalbohin ko yan gamit blade ehh! --__-- nagshake hands pa! pigilan niyo ko! kakalbohin ko na talaga to!
                “may girlfriend ka na ba?” © yan yung sinabi ni Jackie kay RJ nung lumabas sila after maibalik ni RJ yung ID ni Jackie! Kung kayo nasa kalagayan ko? este ni Jackie? Itatanung niyo rin ba yan?
                “Bakit mo naman natanong?” ©  -RJ
kailan pa sinagot ng isang pang tanong ang isang tanong RJ?  yan ang sasabihin ko kay RJ kung ako tinanung niya.--__--
                pero syempre naloka ang lola niyo kaya iniba niya ang tanong.
“wala naman .sige ibahin ko na lang ang tanong ko.May kilala ka bang Professor Santos,accounting subject?” © kaloka! Anong tanung yan Jackie?
“wala” © ang sagot ni RJ. “ah,oo nga pala,wala kayong accounting subject” ©
“I mean,wala yung sagot ko sa una mong tanong.sa pangalawa mo namang tanong,wala rin.puro major subjects na ako ngayon eh.”
                         Kaloka.Jackpot! wala siyang GF.time na para lumandi jackie! Medyo nabuhay na naman yung K Blood Cells ko.Aminin! lumalaki ngiti mo kapag nalalaman mong single si crush!
                         “eh ikaw? May boyfriend ka na ba?” ©
                         “wala eh.wala namang magkakagusto sakin” ©
According to the book: yan ang tinatawag na AWA-AWAAN  strategy.kunwari walang nagmamahal sayo.kunwari kawawa ka. ©
                         Iba yung akin ehh.PAINOSENTE strategy.kunwari walang alam sa love.kunwari inosente ka.laging naka-on ang Maria Clara Mode.usually ang mga NBSB ang sumasabuhay nito.^.~
                         “hala? Parang imposible naman.Sa ganda mong yan,tiyak ko,maraming nagkakandarapa sa’yo” © oh happy ka na Jackie?
“salamat ah”, “wala namang lalaking magkakagusto sa akin eh” © hala! Pinangatawanan yung strategy niya. AWA-AWAAN MODE IS ON.
                         “Ano ka ba? Malay mo,nakilala mo nap ala siya.Malay mo kaharap mo na siya ngayon.” ©
Wahhhh! Omerghed na talaga! Ambilis magcirculate ng K Blood cells ko! wala nang nagcicirculate na red at white blood cells! Puro K Blood Cells na!
Napatingin ako sa kanya. ©
Nagulat. ©
Kinilig. ©
Okay na sana yung tatlong nabasa ko after sabihin ni Rj yun. Kaso may humabol.
Nag-Assume. ©
Nag-assume daw ohh!
 #supernakakarelate

Note:next time na yung susunod na mga pangyayari.di ko pa tapos basahi eh.tandaan: PARA SA BROKEN HEARTED ang tittle ng book. Kung gusto niyo pong mabasa ang mga sumunod na mga nangyari (naks!) bumili po kayo ng PARA SA BROKEN HEARTED novel ni MARCELO SANTOS III available siya sa lahat ng bookstores (sa pagkakaalam ko). I promise hindi kayo magsisising basahin ^______^. Meron pang naunang libro bukod dito,yung PARA SAHOPELESS ROMANTIC andiyan din si jackie kaso hindi diya yung main. Okay nag-endorse na ako! ^________^
(Lahat ng may © sa huli ng bawat sentence or quotations, ay galing sa book.)

No comments:

Post a Comment