Tuesday, September 16, 2014

Pababa sa Bundok na Kalsada


http://fc03.deviantart.net/fs43/i/2012/055/9/0/walking_alone_by_mashat-d21exu4.jpg



Katatapos lamang ng aming ensayo sa pagsayaw nang lumabas ako sa gate ng school.Medyo maganda naman ang panahon kaya naisipan ko na ring maglakad,maglakad mag-isa.ayoko namang sumakay sa gintong tricycle dahil grabe maningil ang mga drayber,biruin mong 30 pesos solo mo lang? pero hindi rin sila masisisi, iyan din naman kasi ang pinagkakakitaan nila at isa pa –malayo din kasi ang bahay ko.
                Kung inaakala niyong malayo na ang narating ko, nagkakamali kayo. 1% palang siguro? Maya-maya pa’y natigilan ako dahil sa sunod sunod na patak ng tubig. Malas naman oh! Umulan pa.no choice, kailangan ko na talagang makauwi dahil marami pang naghihintay na schoolworks sa akin,kaya kinuha ko ang aking payong at nagsimulang suungin ang ulan.ang dulas pala ng kalsada kapag umuulan noh? pakiramdam ko madudulas ako at magdidirediretso sa baba.pero parang masayang adventure yun.^________^mas madali akong makakarating sa baba.
                Habang iniisip ko kung sasakay ba ako ng jeep o hindi. Natanaw ko ang isang lalaking nagmamadaling umakyat pataas.nakikita ko ang salitang PAGOD sa mukha niya.akyatin mo ba naman ang bundok na kalsadang to ewan ko lang kung maging fresh ka pa kahit umuulan.Ginagamit lamang niya ang kanyang jacket upang hindi siya mabasa ng ulan.Masuwerte pa pala ako,may dala akong payong J
                Malapit na akong mangalahati ng makasalubong ko naman ang babaeng nagmamadali ring umakyat.tulad ng lalaki kanina,halata din sa mukha niya ang salitang PAGOD ngunit mas nangingibabaw ang salitang STRESS,bakit? Stress dahil sa suot niyang heels.---___---Ay epic!ako naiistress sa kanya ehh.umakat daw bas a bundok na kalsadang to ng nakaheels? Pasimple na lamang akong tumawa ng nasa likuran ko na siya.
                Hay! Ibinaling ko na lamang ang aking mga mata sa sobrang linis na pader ng manila water. At dahil sa sobrang linis ay napagdiskitahan atang sulatan ng mga kabataang napapadaan dito,maging dikitan ng mukha ng mga politiko.binasa ko isa-isa ang mga nakasulat sa pader .
 “Ex ko na mga Boyfriend niyo” may name at section pang nakalagay,kawawa naman si ateng napagdiskitahan.
“mamatay ka na (pangalan)!”
“09*********- murahin niyo” may nag-eendorse pa ng number.
Hindi lang pala sa cr ng school nakikita ang mga ganyan.biruin mong nakarating pa hanggang sa pader ng manila water.^__^
Makikita mo ring may mga elementary student na nagsusulat.
“si (pangalan) tomae sa pante kolay itim” ginamit pa ata krayola niya para magsulat dito.
At dahil sa mahilig ako sa Korean, halos mapahalakhak na lamang ako sa nabasa kong ito
“wala kayo,boyfriend ko si lee min ho” pati si lee min ho dinadamay.^w^
Marami pang nakasulat sa pader na ito.yung iba paulit-ulit na lamang.
Sa kakabasa ko ng mga naksulat sa pader hindi ko namalayaang malapit na pala ako sa sakayan ng jeep.
Sasakay nalang ako.lumalakas na ang ulan ehh.Ngayon ko lang napagtanto.
masarap palang maglakad sa bundok na kalsada mag-isa kahit na umuulan.^_________^

No comments:

Post a Comment