Saturday, September 27, 2014

Para sa iyo

http://writersapprentices.files.wordpress.com/2012/10/cats1.jpg
http://writersapprentices.files.wordpress.com/2012/10/cats1.jpg



"On The Spot Jackpot"
          Ayan na naman ang mga red blood cells kong animo'y nasa marathon sa sobrang bilis magcirculate,sabay ang malakas na kabog ng aking dibdib kapag naririnig ko ang mga katagang iyan.Jackpot nga kung jackpot.ang pinagkaiba lang ,kung sino ang papalaring mapili, siya rin ang papalaring sumagot sa tanong na nanuna pang lumabas ang dugo sa iyong ilong bago mo pa masagot.Isang tao lang naman ang naiiisip natin akpag naririnig natin iyan.sino pa ba? Eh di si sir Fernando Timbal.
         Maraming takot sa kanya, maraming tumatahimik kpag dumadaan siya. bakit?Dahil akala nila masungit si sir.Pero sabi nga ng iba "Dont judge the book by its cover"subukan mo munang basahin ang mga nilalaman nito bago ka manghusga.Unang klase pa lamang ,Hindi pa namin alam kung sino nga ba ang magiging adviser namin,Hanggang sa may isang matangkad na lalaki ang dumaan sa gitna.Lahat ay napatigil at napatingin,kinabahan at automatic na nafreeze sa kanilang mga upuan, jawdrop.sino pa ba ang dumating? eh di ang bago naming adviser,si Sir Fernando timbal.Noong una,akala ko gagraduate kami na suot ang makakapal na eyeglassses at punong puno ng malalapad na libro ang mga bags namin.Pero mali ako,nakarating kami sa grade nine na may dala-dalang masasayang ala-ala sa mga bags,bulsa ng palda/pantalon,wallet,loob ng medyas o kahit saan pa mang pwedeng paglagyan ng naguumapaw na masasayang ala-ala.Dahil iyon sa suporta,pagmamahal na ibinigay sa amin ni sir timbal.Natuto kami nang 1 hour na walang ingayan kapag science time.Natuto kami na makiramdam sa isa't-isa kapag alam namin na paparating na siya.Natuto kaming maging responsable,maging environmentalist at maging isang modelong estudyante sa iba.Kung iisa-isahin ko,siguradong mauubos itong tinta ng ballpen.Ngunit isa ang pinakatumatak sa aming mga isipan,ang natuto kaming tumanggap ng aming kamalian at humingi ng tawad.
           Hindi man maiwasang makumpara sa mga bagong mga anak niya,alam namin na nakatatak sa isipan niya at maging sa amin ang mga masasayang ala-ala na nangyari sa loob ng isang taong magkakasama kami.

1 comment: