Friday, March 20, 2015

Hindi Ko Namalayan

       Hindi natin namalayan na mag-ge grade 10 na tayo. Dati,ayaw na ayaw pa natin ang k-12 curriculum dahil sabi ng marami mas matagal na pag-aaral ang gugugulin natin. Excited kasi ang lahat na magcollege, more fun daw eh. Pero parang hindi ko naman ata nakikita sa ate ko yun. Isa ako sa mga ayaw sa k-12 dati. Dahil naisip ko na madedelay ang pag-abot ko sa pangarap ng 2 years.dahil imbis na nagtatrabaho na ako sa 2 years na yun ay nag-aaral pa ako. Pero naisip ko rin na mas maganda nga yun. Dahil pwede na kaming magtrabaho pagkatapos naming maghighschool . bukod pa dun, malaki din ang tiyansa naming makapagtrabaho sa ibang bansa dahil kailangan na graduate ka ng 12 years na pag aaral kapag nagtrabaho ka sa kanila. Maganda din ang naidulot nito sa amin, ngayon kasi naiaapply na namin ang mga naituturo ng bawat subject namin ang natututo din na kami na gumawa ng mga products na pwedeng pagkakitaan lalo na sa TLE. Advance din ang mga itinuturo sa amin kaya mas marami kaming natutunan.

      Hindi din natin namalayan na magkakaroon na naman tayo ng bagong guro sa filipino. Hindi naman natin mapipigilan na palitan ang guro natin sa bawat aisgnatura. O kaya naman pumili ng magiging tagapagturo natin. Katulad ngayon hindi ko inaasahan na mahahasa ang pagsasalita ko ng tagalog dahil sa aming guro. Lubos na ipinagbabawal kasi sa aming klase ang magsalita ng TAGLISH, dapat purong tagalog lang ang gagamitin. Nakikita ko rin ang pagnanasa niyang tapusin, pagandahin at kilalanin ang dyaryo ng aming eskwelahan. Kaya hindi mo maitatanung ang ilang mga parangal na nakuha ng dyaryo maging ang mga manunulat dahil sa paghahasa ng aming guro. Salamat din sa aming guro dahil mas nahasa ang pagsusulat ko lalo na kapag wala akong magawa.

      Hindi ko din namalayan na maghihiwa-hiwalay na ang antimony. Parang nung tipulo pa kami,mas  gusto namin na kami-kami nalang ulit ang magkakaklase, sa totoo lang, namimimiss ko na lahat ng tipulo. Ganun din ata ang mararamdaman ko kapag nagkahihiwa-hiwalay na naman kami ngayon lalo pa't hasang hasa ang mga section one na pipiliin. Wala na ang kulitan lalo na kapag walang klase. Wala na yung hingian ng nabake kapag uwian. Wala na yung hingian ng ulam kapag break. Wala na yung selfie dito selfie doon. Wala na yung pag aagawan ng electric fan sa room. Naalala ko pa dati yung hinihintay namin na makabitan kami ng LED sa room. Tipong ginagawan pa nila ng before and after. Tapos may countdown pa. mamimiss ko lahat lahat. Kahit na may iba't  ibang grupo sa room solid pa rin ang antimony at mananatiling buo hanggang sa huli! 
       Pero minsan, kailangan din nating iwanan ang lahat ng nakaraan para salubong ang panibagong darating. Kaya. Ngayon, haharapin ko ang bukas at gagawing inspirasyon ang nakaraan.

Friday, February 6, 2015

Gitara


http://www.up3.98ia.com/images/ydcfl9jkn7r5tx64wqp.jpg


Sa lahat ng pwedeng ihalintulad sa kanya.
Isa lang yung babagay.
Ito ay ang
GITARA
Bakit?
Kasi siya yung nagbibigay ng sapat na tono para mailabas yung emosyon na nais iparating ng isang mang-aawit.
Siya yung gitara na hindi importante yung panlabas na katangian.dahil ang mahalaga ay yung tono na nangagaling sa bawat pagkalabit mo sa mga string.
pero, akala ko lang pala…
akala ko kapag bumili ka ng gitara,matuto ka na agad.
Akala ko kapag nagdownload ka ng mga videos sa internet kung paano matuto ,makukuha mo na agad.
Akala ko hindi masakit sa kamay yung pagpindot sa mga string.
Akala ko Masaya matutong maggitara
Akala ko matututo ka kapag nakinig ka sa online tutoring.
Akala ko kapag ginaya mo sa mga songbook yung guide para sa mga chords matutogtog mo na yung gusto mong song.
Akala ko pareparehas lang yung pag-istrum ng gitara.
Akala ko madali lang matutunan,
Nagkamali ako…. Hindi pala.
Tulad ng isang gitara,
Ang hirap niya matutunan.
Ang hirap din kasi iba-iba yung mga chords, at once na nagkamali ka,maiiba na agad yung tono.
Akala ko kasi totoo yung mga “sabi nila”
Akala ko kapag naniwala ako,malalaman ko lahat.
Akala ko simula na para matutunan ko.
Yun pala, mas mahirap pa sa pagtatanggal mo ng buhok sa kili-kili.
Puro kasi akala.
Palagi ka nalang umaasa na sa balang panahon,matututunan mo rin ang isang bagay.
pero isa lang ang panghahawakan ko,
alam ko kasing lahat ng bagay, matututunan.
At kapag natuto ako,
Hindi ko kakalimutan ang mga paghihirap ko bago ko tuluyang matutunan ang lahat ng ito.
Ang tugtugin ang sariling gitara na dati’y pinangarap ko.
^.^ just always wear your smile! Kahit na mahirap! Aja!


#TT.TT

Tuesday, January 20, 2015

Iba sa Nakaraan



Isa sa mga nakasasabik na bakasyong dumarating 
ay ang “Christmas Vacation”, diyan kasi nagsisidatingan ang mga kamag-anak na galing sa probinsiya o kaya naman tayo mismo ang umuwi sa sari-sarili nating probinsya.Ito rin ang panahon kung saan kabikabila ang mga okasyon at kasiyahan.At para sa mga naghahanapbuhay, ito ang panaahon ng pagtanggap ng mga bonus at “thirteen month pay” nila.Kaya di rin mahulugang karayom ang mga lugar na nabibilhan ng mga bagong kagamitan-malls,SM at tiangge.Lalong tumataas ang benta at lalong kumikita ang mga negosyante.
Maraming  mga tao ang Masaya sa bakasyong ito,bukod sa panahon ito ng pagpapahinga,panahon din ito ng paghahanda ng palad mo para sa pagkuha ng mga pamasko at regalo.Isa na ako doon,Kabi-kabila ang dinaluhan kong kasiyahan.andiyan ang Christmas party ng Yes-o,sa room pati na rin sa Indak.Ganun naman ang kagalakan ko ng makatanggap ako ng iba’t-ibang regalo mula sa mga iyon.Mayroong 3 maliit na notebook, may pamaypay,dalawang wallet,at isang teddy bear.Pagkatapos ng mga iyon, isang araw akong pumirme sa bahay at gumawa ng gawaing bahay.Dumating ang kaarawan ng isa kong kaibigan,pumunta kami sa bahay nila at dumiretso sa ilog kasama si Sir Nash,ang coach namin sa Indak.Maituturing ko rin na isa iyon sa pinakamasayang araw ko sa buong bakasyon.Pumunta kami ng ilog at doon naglaro sa pangunguna ni Sir Nash.Grabe ang kasiyahan namin doon dahil lahat game para sa papremyong “sweet corn” na tig-pipiso lang naman.Hindi na naming namalayan ang oras hanggang sa naggabi na at binigay na sa amin ni Sir yung sinasabi niyang papremyo.Akala ko tototohanin niya yung sweetcorn,pero ang end? Siomai,siomai na kung wala yung masarap na sawsawan eh siguradong puro wrapper lang yung nakain namin.Sa sumunod na araw,lumagi lamang ako sa bahay.Dumating ang Christmas eve,wala namang importanteng nangyari sa akin.Ngunit nang dumating ang mga kaibigan ko at nangaroling kami.At ang End? Naka-650 kami.May sarili kasi kaming rules,50 php ang minimum.Sa sumunod na araw ay pumunta kami sa riverbanks at doon nagpicnic.Napakaraming tao,at nang biglang nagfireworks.Lahat napatingin sa kalangitan na sinasayawan ng mga ilaw mula sa fireworks.Pagkatapos nito’y umuwi na agad kami dahil gabi na rin noon.Pagkatapos noon,Ginawa ko na ang mga Gawain ko sa mga natirang araw.Hanggang sa dumating ang bagong taon.SOBRANG  NAPAKASAYA KO! iba ang pagsalubong ng New Year ko ngayon.Mas Masaya at mas maginhawa kaysa nung nakaraan.Walang nag-aaway sa loob ng bahay,ang peaceful niya sobra.Mas madaming handa,kaysa dati.
Sa mga natitira kong araw bago makipagsapalaran sa pag-aaral,tinapos ko ang mga Gawain kong dapat ipasa sa pagpasok.Doon ko muling naamoy ang papel at lapis.Wala na ang amoy ng pagpapahinga,muli na namang sasabak sa isang digmaan.Tapos na naman ang bakasyon ito.Bakasyong binigyan ako ng panahon na damhin ang pagiging isang kabataan.Sandali man,Ngunit Masaya.At higit sa lahat,Binigyan ako ng panahon para kalimutan ang mga bagay na dapat kong kalimutan sa pagpasok ng 2015!


Ikaw? kamusta bakasyon mo?

Hiling sa Langit na walang bituin

Beautiful night of sky wallpapers free


Naranasan mo na bang maniwala sa mga sabi-sabi ng ibang tao.Gaya ng:

-tumalon ka tuwing new year para tumangkad ka
-magsuklay ng 100x sa gabi para gumanda yung buhok mo
-“mabait” dapat ang tawag mo sa daga dahil kapag tinawag mo ito ng daga,ngangatngatin nila yung mga damit mo
-kapag may puti sa kuko mo magkakaroon ka ng pera
O kaya naman..
-bawal bunutin ang uban kasi mas lalong dadami daw ito.
Mga sabi-sabi na pinaniwalaan mo ng husto.At umasa ka na mangyayari ito.
Pero hanggang kailan ka ba maniniwala na totoo ito?
Hanggang kailan ka maghihintay?
Maghihintay na mangyari ang gusto mo?
Nagsimula ang lahat ng nag-uwi ng isang mangga ang aking sisteret dito sa bahay.Binili niya ito mula sa isang Bookstore sa may SM.At dahil sa natuwa ako sa mga illustration,binasa ko agad ito.Sabi pa ng ate ko “basahin mo yan,ang ganda promise!” Sinimulan kong basahin ang “Author’s Note sa unang pahina.Nakalagay dito ang ibang detalye tungkol sa kwento.Pagkatingin ko palang ,napansin ko na ang talatang ito. “Ang istoryang ito ay dedicated sa  mga taong .......... nagmistulang invisible sa buhay ng kanyang crush.Para sa mga hopeless romantic at romantic pero sobrang hopeless.Higit sa lahat,para sa mga taong patuloy na umaasang mamahalin sila ng taong mahal  nila.” Dun palang, alam kong isa na ako sa mga binabanggit niya.Hindi naman masamang basahin ko ito dib a?
Sa pagbuklat ko ng sumunod na pahina,kung saan doon na ang simula ng istorya,hindi ko inaakala na ito na ang oras na maniniwala ako sa “sabi nila” thingy sa storyang iyon.
“Sabi nila,pag nagbilang ka raw ng siyam na bituin sa loob ng siyam na gabi,at sinabi mo ang wish mo sa huling araw.magkakatotoo raw ito”
Noong una,Tinawanan ko pa iyan. Sa isip ko “sus! Parang sira lang! so anu connect ng pagbibilang ng siyan na bituin? Liliko na ba sayo yung pana ni kupido? Nyik Nyik! ^_________^”
Pero nagkamali ako.
Sino bang aakalaing maniniwala ako sa ganyan?
Bigla kasi naging complicated yung  -tooooooooooooooooooooooooooot- ayoko magkwento about dun! Ahahha! Next time na.
Basta,isang araw nakita ko ang sarili ko na na-evolve as Claire [pokemon!XD]
To the point na tinanung ko
“wala namang masama kung susubukan ko di ba?”
Wala namang makakaalam! [shhh ka lang!]
So ayun! Ginawa ko!
1st day à check!
2nd day à check!
3rd day à check!
Hanggang 5th day à check!
Kala ko magtutuloy tuloy na siya.Apat na araw na lang sana.Kaso…
Nabalitaan ko na may darating na bagyo TT.TT. how sad dib a?
Naging signal no.2 pa ata kami nun?
Eh di ang ending! NGANGA! Wala kang makikitang bituin kahit isa kasi natatakpan siya ng ulap isama mo pa na malakas ang hangin sa labas.
Pinalagpas ko nalang ang araw nay un.Pinabayaan ko kung anuman dapat ang hihilingin ko doon.At kinalimutan na ginawa ko yun para sa isang guy.
Katulad sa naging ending ng story.Hindi sila ang nagkatuluyan.
Hindi naman kasi lahat ng story ay happy ending.
Minsan kailangan mong masaktan sa past para matuto at maging matured sa present.
Minsan kailangan mong bumagsak para bumwelo pataas.
Minsan kailangan mong bumitaw kaysa siya mismo yung bumitaw.
Dahil kapag siya mismo yung bumitaw.Ikaw at ikaw lang ang masasaktan.
Pero akala ko tapos na.akala ko wala na.
Akala ko kapag sinabi kong wala na with smiling face.totally fade na siya.
Kaso wala eh.walang nangyari sa sinabi kong “kakalimutan ko na”
Ginawa ko ulit siya.Nagbilang ulit ako.
And to tell you the truth..
nagawa ko siya. Nagawa kong hanggang siyam na gabi.
At sa ika-siyam na gabi,
hindi ko na tinuloy ang paghiling.Ewan,kusang hindi nagisip ang utak ko ng iwiwish eh.
Iba kasi ako minsan magwish! Minsan parang stars!
Ang hirap ireach!
Minsan napapatingin ako sa langit.
Kung nagwish kaya ako? May possibility kayang nangyari yun?
Ang hirap talaga.. ang hirap talagang humiling sa langit..
Lalo na kung wala namang mga bituin.

PS: 1 am na! sabi sa inyo eh! Lumalabas pagka-emo sa time na to!XD! andrama ba? Kasi nga! Condolence sa POWr account ko! ayaw talaga mabuksan! TT.TT hindi ako makapaglagay ng button!
Yung mangga po ay yung GOLD nila ate aly,ate aril,ate denny at ate A.B. pero yung story ay “nine stars” by Alyloony! Hands down ako kay ate Aly! pati kay ate
Enj! Na nagillustrate!! <3

Last na! goodluck sa report ko ng constellation! ^_^

Sunday, October 26, 2014

Ang aking SEATMATE

Sa tuwing papasok ako sa aming silid aralan.Damang-dama ko ang init na bumabalot sa loob at ingay na nagpapasakit sa aking tenga.
Isa na namang "stressful" na araw ang bubuo sa araw na ito,yan ang nasa isip ko.
Ngunit,kapag ako'y nakaupo na sa aking upuan.Doon naman magsisimula ang pagbawas ng init at stress sa aking pakramdam.
 IPINAKIKILALA:
 [tenteneneng!]
si EDDANN REY B. PANELO.Isang tao na handang makipag-agawan ng electric fan para lang mahanginan ang pwesto namin.Siya'y isang LOVERBOY [nucks!] na minsan bigo sa pag-ibig.XD.Pero isa sa mga kakulitan lagi ng mga babae.
 Laging nandiyan sa mga panahong uso ang asaran.
 Gaya ng ibang lalaki sa room, isa rin siya sa mga kaklase kong laging trip ni Ma'am Daggao. Pero go parin siya at kayang maki-enjoy.
isa sa mga taong laging nagtatanong sa akin kung may journal na ba ako? at kung minsan vice versa. ^___________^
Itong taong ito ay maituturing ko naring isa sa mga kaibigan ko.
Iyan si Eddann Rey B. Panelo.
 Ang aking Seatmate